Mahal kong Mayor ng Davao,

March 28, 1945; yan ang petsa nang ipinanganak ka. Ang umpisa ng lahat. Ang pagbabago ng Davao. Lumaki kang sagana sa buhay. Governor noon ang tatay mo at school teacher naman ang nanay mo. Alam mo ba na namana mo ang katalinuhan ng mga magulang mo.

Nakapagtapos ka ng Bachelor of Arts in Political Science noong 1968. Noong 1972 nakapasa ka sa bar exam. Ang talino mo talaga! Naging Special Counsel ka sa City Prosecution Office ng Davao noong 1977 hanggang 1979. Naging Fourth Assistant City Prosecutor noong 1979 hanggang 1981. Third Assistant City Prosecutor noong 1981 hanggang 1983; at Second Assistant City Prosecutor noong 1983 hanggang 1986.

Dahil sa pagmamahal mo sa Davao, ikaw ang pinili ng libu-libong mamamayan na maging boses nila. Ilang taon ka na rin na naging mayor dahil sa pagmamahal mo sa Davao. Sa ilang taon na ‘yon ay marami kang nagawa. Marami kang nai-ambag na naging dahilan para yumaman ang bayang pinaglilingkuran mo.

Pero dahil sa extrajudicial killings ay maraming haka-haka na ikaw daw ang pasimuno ng Davao Death Squad. Marami raw ang pinapatay mo. Puro mga kriminal na walang habas na gumagawa ng hindi maganda sa bayan mo. Dahil doon ay binansagan kang “Berdugo” dahil umano sa pagpatay mo sa mga kriminal. Malaking eskandalo ‘yon e.

Nalathala sa iba’t-ibang dyaryo ang tungkol doon. Maraming departamento ang nagalit sa’yo at sinasabing labag sa Human Rights ang ginagawa mong pagpatay. Sa edad kong labingwalo ay masasabi ko na mali nga ang ginagawa mo kung totoo man ang bintang sa’yo. Siguro totoo nga kasi minsan ka na rin nagsabi na makakapatay ka talaga ng tao na gumagawa ng mali sa loob ng Davao.

Screen Shot 2016-03-18 at 8.55.16 AM

Pero bakit ikaw palagi ang sinasabihang “Berdugo”?

Diba dapat ang mga kriminal din?

Bakit ba sila tinatawag na kriminal?

Diba dahil nagnanakaw, nanggagahasa at pumapatay?

Diba dapat sabihan din sila na: “Oy! Kayong mga kriminal, mga berdugo rin kayo!”. Hindi ka naman pumapatay kung walang taong nang-aapi o lumalamang sa kapwa, diba?

Alam mo ba Digong na para kang puting tela na merong konting tinta. Marami kang nagagawang maganda sa bayan mo pero ang kamalian mo ang unang pinapansin. Dahil naka-focus sila sa mali mong nagawa, hindi nila nakikita ang kung ano ang nagawa mong maganda.

Dahil sa tulong mo, nakapag-impose ang City Counsil ng ordinance no. 1627, series of 1994 ng prohibition on selling, serving, drinking, and consuming alcoholic beverages from 1:00am until 8:00am.

Ikaw rin ang dahilan kung bakit merong Executive Order no. 39; reducing the speed limits for all kinds of motor vehicles.

Meron ka ring ipinatupad na Executive Order no. 04, series of 2013 to impose an order creating the implementing of rules and regulations for the new comprehensive anti-smoking ordinance no. 0367-12, series of 2012.

Dahil sa’yo, na-implement ng City Counsil ang Firecracker Ban; Ordinance no. 060-02/1406-02, series of 2002.

Pati na rin ang Executive no. 14, ordered all shopping malls and commercial centers to install, operate, and maintain high end and high definition closed circuit television (CCTV).

Dahil sa’yo umunlad nang umunlad ang Davao.

Ikaw ang dahilan kung bakit nanalo ang Davao ng “National Literacy Hall of Fame Award for being a three-time first place winner in the Outstanding Local Government Unit,Highly Urbanized City Category”.

Kahit nasa Davao na ang lahat, hindi ka pa rin nakalimot na tumulong sa ibang lugar.

Nagpadala ka ng rescue at medical teams sa Tacloban matapos ang bagyong Yolanda.

Nagbigay ka rin ng financial assistance sa Bohol at Cebu matapos ang malakas na pag lindol.

Yan ang mga katangian mo na naging dahilan kung bakit minahal at sinusuportahan ka ng mga taga Davao.

Sabi mo nga: “I don’t care if I go to hell as long as the people I serve will live in paradise.”

Alam mo po ba Digong na bagay ka talaga maging presidente. Kaya ang saya-saya ko nang opisyal ka na ngang tatakbo bilang presidente. Halos lahat ng mga taga Davao ay sobrang saya. Pati nga sa ibang lugar ay maraming sumusuporta sa’yo. Malakas ka po Digong. Halata naman ‘yon e. Marami nga ang natakot sa pagtakbo mo. Kung anu-anong binibintang sa’yo at may iba pa na gustong ipa-disqualify ang pagtakbo mo.

Natatakot sila sa pagtakbo mo kaya ka nila sinisiraan. Huwag ka pong mag-alala. Kung may ilang tao ang ayaw sa’yo, meron namang maraming bukas ang isip ang susuporta sa’yo at isa na po ako doon. Gusto ko po ng pagbabago. ‘Yong tunay na pagbabago. Alam kong ikaw lang ang makakagawa niyan. Ang Davao mismo ang pruweba sa pagbabago na sinasabi mo.

Maraming presidente na ang dumaan sa bansa. Pero iilan lang ang masasabi ko na maraming nai-ambag sa bansa natin. Ang gusto ko po talaga sa inyo ay ang pagiging totoo mo sa sarili. ‘Yon bang ang pagiging badboy o ang sama ng ugali mo sa mabuting paraan. Alam ko naman na compliment ‘yon para sa’yo. Totoo ka po kasi. Hindi ka nakikipag-plastikan o nagmamaka-awa sa harap ng kamera.

Marami kang gustong gawin sa Pilipinas. Na kayang makipag-kompitensya sa ibang bansa. Gusto mong tulungan ang mga magsasaka at isa na doon ay ang libreng iregasyon. Gusto mo rin na magkaroon ng railways ang Mindanao. Grabe ka po talaga, Digong.

Kaya mong punan ang mga kakulangan sa Pilipinas. Gusto mong ayusin ang trapik na nagpapa-init at sumisira sa araw ng mga tao. Gusto mong pataasin ang sweldo ng mga police at sundalo na walang takot na lumalaban sa kriminalidad. Hindi ko na kayang isa-isahin ang gusto mong gawin sa Pilipinas dahil sa sobrang dami.

Basta nagtitiwala lang ako na kaya mong payamanin, paunlarin, at kayang makipagsabayan sa ibang bansa ang bayan natin. Ang bayan na maliit lang naman kung titingnan sa mapa pero maraming problema. Problemang ikaw lang ang makaka-ayos.

Sa darating na eleksyon ay makaka-boto na po ako. Handa na ang kuko ko na malagyan ng tinta bilang tanda na ikaw ang naging dahilan ng pagkaroon ko nito. Handa na akong harapin ang pagbabago kapag ikaw ang mananalo.

Handa na akong mamuhay katulad ng sa Davao. ‘Yon bang hindi ako natatakot sa daan kahit malalim na ang gabi.

Handa na akong maranasan ang buhay na maraming opurtunidad gaya ng maraming trabahong ina-alok. ‘Yon bang hindi na kailangan pang pumunta ng abroad at magtrabaho sa mga banyaga.

Handa na ako na maging malinis ang bansa mula sa basura at sa mga kriminal.

Handa na po ako!

Handa na ako sa totoong pagbabago.

Asahan mo po ang boto ko. Sana manalo ka po. Kasi ikaw ‘yong lalaking matapang pero may pagmamahal sa bayan.

O sya! Hanggang dito na lang po. Hanggang sa muli.

Nagmamahal,
Ang Kabataan ng Kasalukuyan

SOURCE

SHARE IF YOU CARE FOR THE FILIPINO PEOPLE AROUND THE WORLD!

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements