by Bruce Villafuerte Rivera

THE SECOND DEBATE: MY COMMENT

Matagal ako nagbigay ng komento ukol sa debate ng mga presentiables kasi nakatulog ako sa inis. Nakakapagod ang HYPOCRISY. Nakakapagod makinig ng pangako na paulit-ulit ginagawa at paulit-ulit napapako.

At pinaka-nakakapagod tignan ang mga trapong iwas ng iwas sa totoong issue: bulok na ang sistema ng ating bansa. Bulok na ang adhikain ng People’s Power. Bulok na ang sinasabi nilang demokrasya kung patuloy na niloloko ang mahihirap dahil gusto ng may pera ang magkaroon ng mas madami pang pera. Hindi na ako nakakapost ng video dahil kahit sinasabi ng FB na posted na, hindi lumalabas sa page ko. Hindi tayo demokrasya, akala lang natin yun.

Kahit sino mang sabihin nating nanalo sa debate, hindi nawawala sa isip ko ang mga bagay na nakakainis isipin.

Lahat sila sinasabing gusto nilang maging maganda ang buhay ng Pinoy. Pero si Binay, Poe at Roxas ay incumbent sa isang pambansang position at nung tumatakbo sila sa nakaraang eleksyon, ganun pa din ang pangako nila.

Hindi pa ba tayo napapagod?

Andaming mali sa bansa natin pero bakit hindi pinag-uusapan yun?

Ang KAHIRAPAN ang palaging pinag-uusapan. Lahat sila nakatuon sa kahirapan. Di ba dapat kung pinagtutuonan ninyo ng pansin ang kahirapan, nararamdaman ng mga mahihirap na bumuti ang kalagayan nila.

Eh bakit ganun pa din?

Kasi ang totoo, sinasabi niyo lang yan tuwing eleksyon at pagkatapos ng eleksyon bumabalik kayo sa bahay ninyong ginto at kinakalimutan ang mahihirap. Hindi takot dahil mabilis nakakalimot ng pangako at mahina ang memory ng taong palaging gutom.

MGA IPOKRITO!!!

Magaling kayong magsalita, baluktutin ang katotohanan sa kahusayang magtalumpati dahil kaya ninyong bayaran ang mga matatalinong handang ibenta ang kanilang karunungan at tulungan kayong bolahin ang nakararami. Sana marunong din ako. Pasensya at maprinsipyo lang.

Magaling kayong sumakay. Hwag pabayarin ng income tax ang 30k below ang sabi ni Binay tapos sabi ni Poe, aside dun ay pababain din ang corporate income tax. Eh saan tayo kukuha ng pangastos sa bayan?

Makatotohanan ba ang sinasabi nila o pinapakita lang nila na kaya nilang utuin ang mahihirap habang pinapasaya ang may pera. Na walang magsasakripisyo sa kanilang pamumuno.

Yan ang epekto sa akin ng debating ito. Binibigyan tayo ng false hopes kasi naririnig natin. Pero natawa ako sa sinabi ni Mayor Digong, “this is a recording”. Kasi alam ko na weeks before yesterday, sandamakmak na rehearsal ang nangyari. Kaya nga galit ang isa sa isang nagdala ng notes. Unfair. Nagpractice siya.

Sino ang nanalo sa akin? Ang mga kandidatong pumunta dun at nagsalita pero pangako lang at hindi makatotohanan ang sinasabi. At kung mananalo sila, ang Pilipinas pa din ang talo, like always lang din naman.

Wala na akong pakialam kung sino ang mas fluent, mas compelling, mas witty or mas “punyeta” pa sa kanila.

I WANT ACTION. I will still choose the candidate who will LEAD BY EXAMPLE not the one making a compelling point. Hitler made inciteful speeches and he did make a point.

So it is still MAYOR DUTERTE for me!

He is not a good debater because a leader does not debate to get things done.

A leader does not need to make point in two minutes because a leader just get things done, most of the time without talking and debating.

Because if you are good in talking and debating, the Senate and Congress is the best job for you.

The executive branch is IMPLEMENTING AND DOING. I need a man who WILL DO IT and not just talk about it.

PLEASE SHARE THIS POST IF YOU CARE!

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements