by Bruce V. Rivera

SORRY SA SASABIHIN KO!

May nagagalit po sa akin dahil sa pagsang-ayon ko na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Tinalikuran ko daw at kinalimutan ang Martial Law at hinahayaan kong maging bayani si Marcos.

Alam ko ang Martial Law. Mulat na ako nun. Madami ang naging biktima nito ay mga Bisaya at may mga kamag-anak akong disaperecidos. Alam ko ang kwentong binili ni Marcos ang mga war medals niya kaya mas madami siyang medals kesa kay Odie Murphy, ang most decorated war veteran ng Amerika. At patuloy kong hinihimok ang mga kabataan na hwag kalimutan ang Martial Law. Pero bakit ako pumapayag?

Simple lang. Kasi patuloy na hinahati ng Marcos legacy ang Pilipino. Hanggang may mga Pilipinong naniniwalang bayani si Marcos at may mga biktimang naghihinaing ng sakit, hati ang mga Pilipino.

Oo, masakit lunukin na ituring siyang bayani para sa isang Pilipinong ipaglaban ang diktadura pero madaming Pilipino din ang tinuturing siyang bayani at hindi tanggap ang Martial Law. At hindi natin sila masisisi kasi baka ang kanilang karanasan ay iba sa atin. Hindi din natin masisisi ang kabataan na kalimutan ang hirap ng buhay sa Martial Law kasi sinayang natin ang pagkakataon kasi sa totoo lang: walang pinagbago.

Kahit ilibing pa si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, hindi siya bayani sa mga biktima niya. Pero may mga Pilipinong naniniwala na siya ay bayani. At mas madaming Pilipino ang walang opinion kung malibing siya dun o hindi.

Kasi ang totoo, naging sundalo naman talaga siya. Kung nabili ang medalya o hindi ay di isyu kasi ililibing siya dun bilang isang ordinaryong sundalo. Ibang usapan na siguro kung gawin natin siyang pambansang bayani at ilagay sa pera natin.

Nung sinabi ko na move-on at bitter, hindi ko minamaliit ang mga victims ng Martial Law. 30 years nang natapos ang Martial Law at napatalsik natin si Marcos. Kung may humihingi pa ng hustisya ang mag-isip na kung kanino natin hingin.

Natalo halos lahat ng kaso ng PCGG ukol sa pagbawi ng Marcos wealth, binabayaran pa natin ang utang ng rehimen dahil inako natin at nakabalik na sina Imelda at lahat ng anak ni Marcos sa Pilipinas.

Nakatakbong Presidente si Imelda at hindi siya kulelat. Naging Congressman pa si Imee at Imelda. Ngayon, Vice Presidential candidate si Bongbong at naging Senator. Hindi din siya kulelat.

Prangkahin ko na kayo, sa palagay niyo ba makakakuha pa ng hustisya ang mga biktima ng batas militar at kung makakuha man, ano ang matatanggap nilang pera eh kulelat din tayo bawiin ang sinasabing hidden wealth.

Kaya dapat ay bigyan na natin ng closure ang mga namatay. Kahit di nila nakuha ang hustisya na panagutin si Marcos, ang totoong hustisya ay nasa pagbigay katahimikan at pagpapalaya sa kanila bilang biktima.

Mananatili sa kunsensya ng mga tagalaganap ng batas militar ang dugo ng mga biktima. Wala na akong pakialam kung magsorry sila. Uusigin sila ng kanilang kunsensya. At kung naniniwala kayo sa Diyos, may paghahatol na mangyayari sa langit.

Pero kung hahayaan natin hindi malibing si Marcos, mananatiling simbolo ng bangungot ng Martial Law ang naninigas niyang bangkay. Ang pag move-on ay hindi pagtalikod ng mga tinuro sa atin ng kasaysayan. Ito ay pagpapalaya natin sa alaala na minsan ay naging biktima tayo.

Kasi, hanggat hindi natin matatanggap na mahirap nang panagutin ang mga Marcos sa mga nangyari ay mananatili tayong biktima. Kasi hinayaan nating mga Pilipino na makabalik sila at mamayagpag ulit kasi mas maraming Pilipino ang piniling magpatawad.

The best justice we can give the victims of Martial Law is to never allow the Filipinos to be victims again.

At habang hindi pa naagnas ang bangkay ni Marcos, hindi natin makakalimutan ang sakit kasi may mga magsasabing hindi totoo ang sakit na nararamdaman natin. Kasi ang People’s Power ay hindi simbolo ng pagpapalayas kay Marcos. Hindi din ito simbolo ng kabayanihan ni Ninoy.

Ito ay simbolo ng pagkakaisa ng Pilipino. At panahon na para magkaisa ulit tayo. Hindi na si Marcos ang kalaban.

SOURCE

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements