by Mc Richard Viana Paglicawan

Ngayong hapon, nawala ang 3-day-old kong iPhone 6s Plus on my way pauwi ng bahay galing Robinsons Forums. Nakaupo na ako sa mesa nang mamalayan kong nawawala ang aking bagong iPhone.

Agad akong bumalik sa Robinsons Pioneer sa pagbabaka-sakaling maibabalik pa ang aking hinahanap na new iPhone.

Una kong nilapitan ang isang PULIS na naglalakad sa labas ng mall para humingo ng tulong.

Me: Manong, nakaiwan po ako ng phone sa tricycle.

Pulis: Ano bang unit ng cellphone?

Me: Sir, bagong iPhone 6s Plus po.

Pulis: Mahirap ‘yan. (Tapos umalis)

Halos nangingilid na ang luha ko (feeling helpless) nang lumapit ako sa isang tricycle driver.

Me: Manong, patulong po. Nakaiwan po ako ng isang phone po sa isa ninyong tricycle.

Trike Driver: Anong number po ba ng tricycle at saka anong kulay?

Hindi ko matandaan ang hitsura ng driver. Hindi ko rin nakuha ang number. Pero tinulungan ako ni Manong driver na pagtagni-tagniin kung kaninong tricycle at possible kong nasakyan going to our home.

At dahil sa tulong ni Manong driver… Natunton po namin ang driver na sinakyan ko at agad na naisauli ang akong iPhone.

Salamat sa dalawang trike drivers na ito na may pagpapahalaga sa integridad ng kanilang trabaho at naniniwala sa malinis na pamumuhay.

Minsan, ang mga taong inaasahan nating tumulong tulad ng pulis na nauna kong hiningan ng tulong ang mismo pang magpapahina sa ating loob…

Pero anu’t-ano pa man ang mangyari, may mga hindi sinasadyang mga bayani na nasa tabi-tabi lang (tulad ng dalawang trike drivers na ito) na naghihintay lang ng pagkakataon na ipakitang marami pa silang mabubuting loob na nag-eexist.

Ito po ay isang magandang kwento na hindi dapat ipinagdadamot na i-SHARE… Personal ko po itong naranasan ngayon hapon lamang.

SOURCE

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements