by Bruce V. Rivera

Marahil marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay palagi pa din tayong nabibiktima ng mga huwad na mga namumuno na ang tangging gustong gawin ay pagsamantalahan tayo.

Simple lang: ang ginawa sa atin ng mga Kastila sa loob ng 300 taon ay ginagawa pa din ngayon ng ating mga pinuno. Ang tawag diyan ay DIVIDE AND RULE. Kung mas hiwalay tayo sa pananaw, mas madali tayong utuin.

Sino ba kasi ang nagsimula ng Luzon, Visayas at Mindanao?

Ang alta-socialidad at ang mga pangkaraniwan?

Ang edukado at walang pinag-aralan?

Ang Katoliko at Moro?

Ang Bisaya, Waray, Ilocano, Illongo, Bikolano, Kapangpangan, Kabitenyo, Bulakeno, Maranaw, Tausug at marami pang iba.

Gawa yun ng Kastila kaya 300 taon bago tayo nabwiset. Pero bukod sa pananalita, wala kaibihan ang dugo ng isang Kapangpangan sa isang Waray. Pilipino ang dugong nananalaytay nito. Ipinasok nila sa kukute natin na magkaiba tayo.

At sa bawat rehiyon, may Kastilang palagi tayong pinaaalala, na iba tayo sa mga kapwa isa. Na dapat ay matakot tayo sa hindi natin kilala kasi sisirain lang tayo niyan.

Yan po ang ginagawa ng mga kalaban ni Duterte.

Tignan ang kaibahan niya sa nakasanayan natin.

Tinatakot nila ang mga Bikolano at Tagalog na si Duterte ay Bisaya na taga Mindanao kaya di niya maiintindihan ang mga hinaing nito.

Tinatakot nila ang mga Kristiyano na malapit si Duterte sa mga Muslim kaya baka sakupin na tayo ng Islam.

Tinatakot nila ang mga mayayaman na si Duterte ay walang batas at sisirain ang magandang buhay na meron sila.

Tinatakot nila ang edukado na si Duterte ay hindi naniniwala sa demokrasya at dadaanin lahat sa dahas.

Pero ang totoo, si DU30 lang ang pwede mong masabi na totoong kumakatawan sa karamihan ng Pilipino. Iwasan na nating bumoto bilang isang Bisaya o Tagalog o kung ano pa man, kasi ang totoo, walang pagkakaiba.

Pareho ang hugis ng ating mga mukha, kulay ng atin balat, ang liit ng biyas natin pati ang pagkakalapad ng ilong at baho ng ating mga tae. Pilipino tayo.

Huwag po tayong bumalik sa panahon ng mga Kastila at makikinig tayo sa sermon ng isang Padre Damaso habang ginigiit niya na mayayabang ang mga Kapampangan, kuripot ang mga Ilokano, malalandi ang mga Waray, traydor ang mga Muslim at magaling na katulong ang Bisaya.

Kung patuloy tayong nagkakawatak-watak, patuloy pa din ang ligaya ng ilang mga ganid na mamumuno sa atin.

At si Padre Damaso sa makabagong panahon ay hindi ung simbahan at mga Kastila. Sila po ang mga MAYAYAMAN na hawak ang lahat pati ang bayag ng mga namumuno sa atin.

Bumoto po tayo ng isang kandidatong sa sobrang laki ng bayag na hindi nila kayang pigain, Bisaya man siya na naninirahan sa Mindanao. Kasi yan ang BAYAG ng isang tunay na Pilipino hindi magpapaapi sa mga manlulupig.

Bruce Villafuerte Rivera, tama na. Alam kong humahagikhik ka pag naririnig mo ang salitang “bayag”.

Advertisements