by Bruce V. Rivera

10. Salbahe?

Nasigawan lang kayo, namura, kinuyog ng batikos sa social media. Aray na agad kayo. Subukan niyo kayang ma-Yolanda, ma-Mamasapano, ma-budol budol, magutom, maloko, paglaruan, pinaasa, niyurakan ang pagkatao….Teka, ano nga ba pinag-uusapan natin. (Sabay singhot ng rugby…)

9. Maingay.

Hindi po ingay yang naririnig niya. Yan po ang kalabog ng mga suso ng galit na sambayang Pilipino… (Direk: Cut!!! Puso hindi suso!!!)

8. Hindi kami bastos, kuya!!!

Ayaw lang namin ng pangit. Nakita nyo bang nabaluhara si KathNiel? Wala di ba. Kasi nanunuod din kami sa Got2Believe. Pinatalak niyo kasi ang mga mukhang mangkukulam, dwende, kulisap…kaya ayun, napeste na!

7. Hindi naman kayo mabiro?!

Nung sinabi niyo na inindorso ni Hitler si Duterte, tumawa kami. Galing nung joke. Pero nung nagjoke kami na inindorso ni Pope Francis, Obama at Jollibee si Duterte, galit kayo. Di ba, joke din yun. Paano naman maging totoo na nag-eendorso si Jollibee, eh bubuyog siya.

6. Troll, retarded, fanatic, kulto, sanggano…

Hindi na kayo nagsawa na tawagin kaming ganun. Pero may nickname na ba kayong narinig sa mga supporters ni Poe at Roxas na naging popular sa TV at social media? Tapos kami ang sinasabi niyong walang modo? Konting hiya naman, guys?

5. Porket komiks lang, sasabihin niyo agad na kami ang gumawa.

Basta ka-cheapan, kami agad. Kahit umamin na ang manok ninyo na siya ang nagpalabas. Basta lahat ng hindi sosyal, kami agad. Oo na, mahirap kami. Low class. Habang mga sosyal kayo….Pero ito lang ang isipin ninyo, si Mar hirap na hirap maging mahirap. Pero si Bruce Villafuerte Rivera, kering keri magkunwaring mayaman. Social climbers rule!!!!

4. Tinatanggap ko, ate.. hindi kami mga matatalino.

Abogado lang ako na hindi topnotcher. Karamihan sa amin mga ordinaryong Pilipino. Habang mga CEO, economists, top-notch lawyers, billionaires at highly-intellectual people ang sinasabing sumusuporta sa inyo. Pero ito lang masasabi ko, pagtumae sila….pare-pareho lang din ang mga mukha natin. Tae lang pala ang katapat ninyo.

3. Hindi na ba kayo makuntento?!!

Sa inyo na ang TV stations, SWS, Pulse Asia pati mga mayayamang negosyante. Facebook at Twitter lang sa amin. Hindi na nga kami makaresbak dun tapos pwede naman kayong rumesbak dito. Tapos kung umakting kayo, parang kayo pa ang biktima!?!

2. Totoo!!!

Masahol pa kami sa puta! Alam namin yan. Kasi ang puta, binabayaran. Habang kami, ginagamit na walang bayad. Punyetang pagmamahal kasi!!!!

1. Si Val, si Val, palagi na lang si Val!!!

Pero sa nakaraang eleksyon, ang grupo ninyo ang binoto ni Val!!! Bakit ngayon niyo lang sasabihin na retarded si Val? Ano??? Anong tama yan? Humithit ba kayo ng varnish!!!! (Sa hindi masyadong smart, tayo po si Val)

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements