BAKIT AYAW KO KAY GRACE POE
by Atty. Bruce V. Rivera

There, I said it. Ayaw ko kay Grace Poe!

Kung silang dalawa ni Binay, kay Binay ako. Kung silang dalawa ni Mar, magpapatiwakal ako. Kung buhay pa si Amb. Seneres at silang dalawa, kay Seneres ako. Kung sila ni Miriam na lang ang choice at may taning ang buhay ni Miriam, kay Miriam ako. Bahala na kung kahit kanino sa VP ang hahalili.

Simple lang ang dahilan ko: NAGDUDUDA AKO SA KANYANG HANGARIN.

Let me explain, kuya…

Bakit siya nagmamadali?

Bakit niya kailangan na maging Presidente ngayon?

Late 40’s pa lang siya at kung maghihintay siya ng anim na tao, isa pa din siya sa magiging pinakabatang Presidente. Sobrang bilib na ba siya sa sarili niya na kaya niya ang trabaho? Would it hurt na magpahinog muna siya sa Senado para maging mas handa siya maging Pangulo?

Sa totoo lang, 43 na ako (oo, may tulong kay Dr. Grace Lopez para magmukha akong sariwa), nagtapos at nagturo ng abogasya, alam ko ang gagawin ko pag sinalakay tayo ng China kahit di ko pa bulabugin ang aking legal team at higit sa lahat, natural born talaga ako. Pero kahit si Fernando Poe pa ang tatay ko, hindi ako tatakbo, kasi alam ko na kulang pa ang kaalaman ko. Bakit kailangan niyang umeksena agad?

Andami kong tanong. Isa lang ang sagot. OPPORTUNISTA SIYA.

Alam niyang madaling ibenta ang pangalan niya dahil Poe siya. Hindi niya kailangan pabanguhin ang pangalan niya dahil Panday ang tatay niya. Ipagpapatuloy lang niya ang sinimulan ni FPJ ay kakagatin na ng mga pobreng fans.

Alam niyang mahina ang hatak ni Mar. Bakit siya mag VP tulad ng ginawang pagpaparaya ni Mar dati. Mas mabango siya kasi less work, less mistake. Walang Yolanda, walang Mamasapano, walang Pnoy na bagahe. Sino bang magkakamali sa pagclassify ng Pangako sa Yo ng SPG, pagsakay sa MRT na parang kawawa at hindi pagkasali sa pork barrel scam kasi kauupo lang niya.

At dahil alam niyang pumapayagpag siya sa survey, madali niyang makuha ang supporta ng mga mayayaman na kayang punuin ang bulsa ng kanyang kampanya kasehodang may kapalit ito kasi nga opportunista siya.

Kasehodang may pagdududa sa kanyang citizenship at residency, wala siyang pakialam kung guluhin niya ang Korte Suprema at ang Saligang Batas kasi may susuporta sa kanya. Pwede niyang ayusin ang issue kung tatapusin niya ang second half ng term niya as Senator pero hindi, now na!

Hinati niya ang bansa dahil lang sa ambisyon niyang maging Pangulo dahil may pera at pangalan siya kahit ni isang batas ay wala siyang naipasa.

Why is she running for President? Sagot niya: BECAUSE I CAN. I will qualify later.

And oh,

nung panahon ng malawakang brown-out dala ng power crisis,

nung Rizal Day bombing, nung takot na dala ng Abu Sayyaf,

nung sandamakmak na bagyo at lindol,

nung pesteng dala ng panunungkulan ni Erap,

yung mga panahon na lumusong tayo sa baha para makuwi sa ating tahanan,

andun siya sa AMERIKA.

Tinatamasa ang magandang buhay bilang isang Amerikano.

Bakit ayaw ko kay Grace Poe? INGGIT AKO.

Kasi kahit makapal na ang mukha ko, may mas kakapal pala!

SOURCE

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements