MGA URI NG DUTERTARDS
by Bruce Rivera

Dahil nagsawa na ako sa kakalait ng mga non-Dutertards, susubukan ko din manglait ng ka-uri baka sakaling matikman ko mabash ng mga Dutertards. Eto na:

1. Mga hindi straight. Sila ang hindi talaga naniniwala sa tuwid na daan. Kasi kahit gaano katuwid ang pipino, hindi masarap pag bulok ang laman nito.

2. Ang mga Marcos loyalist. Nagtimpi sila ng almost 30 years na kahit successful nilang patayin ang career ni Virna Lisa na kumanta ng theme song ng EDSA Revolution ay hindi pa makukuntento hamggat buhay pa ang mga kumanta ng Handog ng Pilipino Sa Mundo.

3. Mga biktima ni Yolanda. Ito lang siguro ung klase ng Dutertard na may totoong inis kay Mar. Karamihan, kay Panot naiinis.

4. Mga social justice league. Sa mga medyo burgis, sila ang mga left-leaning. They are for equality and the humanization of laws to benefit the marginalized. Naiinis sila sa kantang, “Nasa Yo Na Ang Lahat” ni Kuya Daniel. Kasi nga kung nasa kanya na ang lahat, pamigay ang iba para ipakain sa mga gutom na magsasaka.

5. Mga takaw-away. Gustong-gusto nila ang approach ni Tatay Digong. Hindi nila virtue ang patience. Pag may mali, sigawan agad. Pag may nagtapon ng basura sa kalsada, isama mo ding itapon ang bangkay nung nagtapon.

6. Yung mga mahilig sa bad boy image. Maraming tao ang nahuhumaling sa mga maldito. Yung tipong makita mo pa lang, mabibigkas mo ang mga katagang “hurt me”. Yung mga nakikiliti pag minumura ng malutong.

7. Mga nauumay sa pamilyang Aquino. Ito yung mga dati ay excited pinanuod si Kris sa Eye to Eye pero sa pagdaan ng Pido Dida, Feng Shui at araw-araw mo na nakikita sa TV ay napapaisip ka na kung forever ba ito. Kung dudukot ka sa wallet mo, sasakay ka ng eroplano sa Manila, pag wala kang trabaho sa August 21 at ang kulay na dilaw, naalala mo sila. Pati nga STD, sila din naalala ko.

8. Yung mga may hugot. Sila yung mga pinangakuan pero sinawi. Mga biktima ng binaon pero hindi hinugot. Mga naghintay sa tamang panahon na di pa dumadating. Mga umaasang masuklian dahil binigay ng buong-buo. Yes, change is coming.

9. Mga hindi nanunuod ng news sa TV. Kasi kung nanunuod sila, disente ang pinili nila. Dahil walang TV, sa FB, YouTube at sa internet nila kinukuha ang news.

10. Ang mga Pagod at Dilat. Sila ang mga adik na gusto nang matulog pero hindi kayang gawin habang hindi pa pinapatay ang suking pusher sa barangay.

11. Mga apektado sa social media. Sila yung ginawang jowa ang mga telepono para macheck ang newsfeed sa FB. Sila yung nadedepress pag hindi magviral ang post. Mas importante sa kanila kung ilang views, shares, likes kesa sa rate ng GDP at GNP ng Pilipinas.

12. Lastly, mga BALIMBING. Oo, meron.

 

P.S. Recommended Business for YOU – Click Here! 

PS2: You can download the Free Ebook of Bro. Bo Sanchez – “My Maid Invests in the Stock Market” and learn how to invest in the stock market and get Bro. Bo as your Financial and Spiritual  Mentor  – Click Here!

PS3: FREE VIDEOS on how to ATTRACT lots super interested PROSPECTS willing to JOIN your business using the power of INTERNETClick Here!

 

HOW to EARN Php450K UNLIMITED, WATCH VIDEO:

For more information about the business opportunity – Click Here! 

 

Advertisements